“Takbo para sa Kinabukasan ng mga Kabataang Badjao” 5K Fun Run, pinangunahan ng Cotabato City PNP

0
48

Pinangunahan ng Cotabato City Police Office sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Colonel Jibin Bongcayao, City Director, sa pakikipagtulungan ng NAPOLCOM-BARMM kaugnay sa pagdiriwang ng Police Community Relations Month na may temang “Sa Bagong Pilipinas, Ugnayang Pulis at Mamamayan Tapat, Maaasahan, at Nararamdaman,” nito lamang Hulyo 28, 2026 sa Cotabato City Plaza.

Nabatid na nakiisa rin sa aktibidad ang mga runners, kapulisan, kinatawan mula sa iba’t ibang government agencies, local government units, private organizations, sports enthusiasts, youth groups, volunteers, sponsors, at miyembro ng komunidad.

Ang naturang aktibidad ay hindi lamang isinagawa bilang isang fun run, kundi bilang isang adbokasiyang nakabatay sa komunidad na naglalayong patatagin ang ugnayan sa pagitan ng pulisya at mamamayan, kasabay ng pagsusulong ng suporta para sa kapakanan at kinabukasan ng mga Kabataang Badjao na binigyang-diin ng programa na higit na maisusulong ang kaunlaran ng komunidad sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng pulisya, mamamayan, mga ahensya ng pamahalaan, pribadong organisasyon, at iba pang mga katuwang tungo sa iisang layunin na napapaloob sa layunin sa “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.

Source: Cotabato City Police Office

Leave a Reply