Rank 3 Provincial Most Wanted Person, arestado sa Manhunt Operation ng Angono PNP

0
577

Naaresto ng mga operatiba ng Angono Municipal Police Station ang isang indibidwal na itinuturing na Rank 3 Most Wanted Person sa Provincial Level nitong hapon ng ika-15 ng Enero, 2026 sa Barangay Pulang Gubat, Guiguinto, Bulacan.

Ang naarestong suspek ay kinilala lamang sa alyas na “Mark”, 21-anyos, na residente ng Barangay San Isidro, Angono, Rizal.

Ang suspek ay nahuli sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong paglabag sa Republic Act 10883 o ang “New Anti-Carnapping Act of 2016” na may inirerekomendang piyansa na Php300,000.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Angono MPS Custodial Facility ang suspek bago ang pagbabalik ng warrant sa court of origin para sa kaukulang disposisyon.

Source: https://www.facebook.com/share/p/17ssgmDG2D/