Most Wanted Person na may patung patong na kaso, arestado ng Bulacan PNP

0
502

Naaresto ng mga operatiba ng Santa Maria Municipal Police Station (MPS), bilang lead unit, katuwang ang PIT Bulacan East at RIU 3, Bulacan Police Provincial Office, ang isang wanted person na may patung patong na kaso noong Enero 15, 2026, bandang alas-1:00 ng hapon sa Brgy. Poblacion, Santa Maria, Bulacan.

Ayon sa ulat ni PLtCol Mark Louie M Sigua, Hepe ng Sta. Maria MPS, kinilala ang naarestong suspek na si alyas ”Ferdi”, 60 taong gulang at kasalukuyang naninirahan sa Bayanihan St., Brgy. Matungao, Bulakan, Bulacan.

Naresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest kaugnay ng iba’t ibang kasong paglabag sa RA 7610 at iba pang kaugnay na krimen. Kabilang sa mga kasong isinampa laban sa suspek ang paglabag sa Section 10 (a) of RA 7610 na may inirekomendang piyansa na Php80,000; Lascivious Conduct under Section 5 (b) of RA 7610 na may inirekomendang piyansa na Php200,000; paglabag sa Section 10 (a) ng RA 7610 na may inirekomendang piyansa na Php 80,000.00; Rape na walang nirekomendang piyansa; Acts of Lasciviousness na may inirekomendang piyansa na Php200,000; at Lascivious Conduct na may inirekomendang piyansa na Php200,000.

Ang matagumpay na operasyong ito ay patunay ng patuloy at mahigpit na kampanya ng Bulacan Police Provincial Office, sa ilalim ng pamumuno ni PCol Angel L Garcillano, Provincial Director, laban sa mga wanted person at sa mas pinaigting na pagpapatupad ng batas upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan ng Bulacan.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1Gtoh5Yri3/