Php6.4M halaga ng iligal na droga, nakumpiska ng kapulisan muila sa isang Punong Barangay sa Iloilo

0
546

Sa mas pinaigting na kampanya ng kapulisan kontra iligal na droga ay naaresto ang isang Punong Barangay sa drug buy-bust operation na isinagawa sa Barangay Devera Sara, Iloilo nito lamang ika-14 ng Enero 2026.

‎Pinangunahan ang operasyon ng PDEU Team 3 ng Iloilo Police Provincial Office sa pangunguna ni PMaj Dadje Delima kasama ang Sara Municipal Police Station, 2nd Iloilo Provincial Mobile Force Company at ang Provincial Intelligence Unit.

‎Kinilala ang suspek na si alyas “Matmat”, 39 taong gulang, walang asawa, isang Punong Barangay sa San Dionisio, Iloilo at isang High Value Individual (HVI).

Nasamsam mula sa pag-iingat ng arestado ang humigit kumulang 955 gramo ng pinaghihinalaang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng Php6,494,000, buy-bust money, at iba pang non-drug items.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Ang matagumpay na operasyong ito ay bahagi ng mas pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga sa rehiyon tungo sa isang mapayapang komunidad para sa lahat.

Source: https://www.gmanetwork.com/news/topstories/regions/972970/barangay-chief-nabbed-in-iloilo-drug-buy-bust/story/