Rank 3 Municipal Most Wanted Person sa kasong paglabag sa R.A. 7610, arestado ng Tayug MPS

0
145

Arestado ng mga operatiba ng Tayug Municipal Police Station (MPS) ang Rank 3 Most Wanted Person sa Municipal Level na may alyas na “Joel” sa Brgy. Poblacion D, Tayug, Pangasinan, dakong alas 8:30 ng umaga noong Setyembre 21, 2026.

Ang akusado ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa paglabag sa Section 5(B), Article III ng Republic Act No. 7610, na may inirekomendang piyansang Php200,000 para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Matapos ang matagumpay na operasyon, dinala ang akusado sa Tayug MPS para sa kaukulang dokumentasyon at pagproseso bago iharap sa korte na may hurisdiksyon sa kanyang kaso.

Patuloy na paiigtingin ng PNP ang kampanya laban sa mga wanted person at iba pang lumalabag sa batas, alinsunod sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.” at sa layuning itaguyod ang kaligtasan, kapayapaan, at seguridad ng bawat mamamayan.

Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan

Source: Tayug MPS

Leave a Reply