Pinaigting ng 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company (PMFC), sa ilalim ng pamumuno ni Police Major George C Maribbay, Acting Force Commander, ang kampanya nito sa school safety, preparedness, at emergency awareness sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Safety Symposium sa mga paaralan sa kanilang Area of Responsibility, noong Setyembre 21, 2026.
Pinangunahan ni Police Captain George M. Gines, Officer-in-Charge ng 1st Platoon, ang aktibidad sa San Antonio Elementary School sa Brgy. San Antonio, Nungnungan Elementary School sa Brgy Nungnungan, at Alinam Elementary School sa Brgy. Alinam, na pawang nasa Cauayan City, Isabela.
Layunin ng aktibidad na mapalakas ang kaalaman, kahandaan, at safety consciousness ng mga mag-aaral, guro, at school personnel sa wastong pagtugon sa mga posibleng banta at emergency situations sa loob at paligid ng mga paaralan. Sa pamamagitan ng patuloy na information dissemination at safety awareness initiatives, pinaiigting din ang koordinasyon at pakikipagtulungan ng kapulisan at mga institusyong pang-edukasyon.
Patuloy namang nakatuon ang 2nd Isabela PMFC sa pagpapatatag ng ugnayan sa mga paaralan at komunidad upang maisulong ang isang ligtas at secure na learning environment kung saan makapag-aaral nang may kumpiyansa ang mga kabataan, alinsunod sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: https://www.facebook.com/share/p/1GgyUePHPX/

