SILG Remulla, PNP Chief Nartatez nanguna sa Press Briefing Conference sa Banga School Incident

0
134

Nanguna sina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic C. Remulla at Philippine National Police (PNP) Chief PGEN Jose Melencio C Nartatez, Jr., sa incident briefing at press conference, noong Setyembre 21, 2026, kaugnay ng insidente sa Banga National High School sa Brgy. Benitez, Banga, South Cotabato.

Isinagawa ang incident briefing sa Kapanalig Hall ng South Cotabato Police Provincial Office bilang bahagi ng patuloy na assessment at koordinasyon ng mga kinauukulang awtoridad. Tinalakay dito ang mga pinakabagong development, operational updates, nagpapatuloy na imbestigasyon, at mga ipinatutupad na hakbang sa seguridad kaugnay ng insidente.

Samantala, nagsagawa rin ng press conference sa Banga National High School upang magbigay sa publiko ng beripikadong impormasyon at sagutin ang mga katanungan hinggil sa insidente, mga hakbang para sa kaligtasan ng publiko, at nagpapatuloy na imbestigasyon.

Dumalo sa aktibidad sina Police Regional Office 12 Regional Director PBGen Alan B Manibog, Deputy Regional Director for Operations at Special Investigation Task Group; (SITG) Commander PCol Nathaniel G Villegas; South Cotabato Vice Governor Arthur Y. Pingoy Jr.; Banga Mayor Albert D. Palencia; Schools Division Superintendent Leonardo M. Balala, CESO V; at Banga National High School Principal Arnel E. Gabuat, PhD, kasama ang iba pang mga opisyales at PNP personnel.

Sa press conference, nagbigay ng kanilang opening statements ang mga resource persons at sinagot ang mga tanong ng media tungkol sa insidente, mga hakbang sa public safety, at patuloy na imbestigasyon.

Binigyang diin ng mga awtoridad ang kahalagahan ng responsable at wastong pagbabahagi ng impormasyon, lalo na sa gitna ng pagkalat ng iba’t-ibang ulat kaugnay ng insidente. Hinikayat ang publiko na umasa lamang sa opisyal at beripikadong mga source at iwasang magbahagi ng mga impormasyong hindi pa nakukumpirma upang maiwasan ang kalituhan at hindi kinakailangang pangamba.

Binigyang-diin din sa press conference ang patuloy na koordinasyon ng DILG, PNP, local government units, at mga awtoridad sa edukasyon upang matugunan ang insidente at matiyak ang kaligtasan at seguridad ng school community.

Source link:

https://www.facebook.com/share/p/1KbKm5k1fz
https://www.facebook.com/share/p/1ByrVmBCZW

Leave a Reply