Arestado ng mga tauhan ng San Quintin Municipal Police Station (MPS) ang Rank 2 Municipal Most Wanted Person (MWP) na may alyas na “Butirog”, residente ng Brgy. Alac, San Quintin, Pangasinan, dakong alas 900 ng umaga noong Setyembre 21, 2026.
Ang akusado ay naaresto sa bisa ng Electronic Warrant of Arrest (E-WOA) para sa dalawang bilang ng Incestuous Statutory Rape, na kapwa walang inirekomendang piyansa at nahaharap din siya sa kasong Lascivious Conduct sa ilalim ng Section 5(B) ng RA 7610, na may itinakdang piyansang Php200,000.
Ang pagkakaaresto sa nasabing wanted person ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng PNP na tugisin at papanagutin ang mga indibidwal na may kinakaharap na kaso. Patuloy namang paiigtingin ng kapulisan ang mga operasyon laban sa mga wanted person at iba pang lumalabag sa batas upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng mga mamamayan, alinsunod sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan
Source San Quintin MPS

