Arestado ng Tracker Team ng Norzagaray Municipal Police Station ang tinaguriang Top 10 Most Wanted Person Municipal Level sa isinagawang operasyon sa Lawasan, Brgy. Poblacion, Norzagaray, Bulacan, bandang 12:00 ng tanghali noong Oktubre 13, 2026.
Ayon kay Police Major Demosthenes Desiderio Jr, Officer-In-Charge ng Norzagaray MPS, kinilala ang suspek na si alias “Jef”, 22 taong gulang, na inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Rape sa ilalim ng Criminal Case No. 96-M-2026 na may inirekomendang piyansang Php200,000.
Sa pahayag ni Police Colonel Jay B Baybayan, Acting Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, patuloy na paiigtingin ng Bulacan PPO ang pagtugis sa mga wanted person at pagpapatupad ng mga warrant of arrest upang matiyak na ang mga akusado ay maihaharap sa kaukulang proseso ng batas at mapananagot alinsunod sa umiiral na mga batas at regulasyon na naaayon sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: https://www.facebook.com/share/p/1CApvGf3X7/

