Rank 1 Municipal Most Wanted Person sa kasong statutory rape at lascivious conduct, arestado ng Hagonoy MPS

0
274

Arestado ng mga operatiba ng Hagonoy Municipal Police Station ang Top 1 Municipal Most Wanted Person Municipal Level sa isinagawang manhunt operation bandang 3:50 ng hapon noong Hulyo 15, 2026 sa Brgy. Pangclara, Candaba, Pampanga.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Leonard M Lim, Hepe ng Hagonoy MPS, kinilala ang suspek na isang  39 taong gulang na lalaki, residente ng Brgy. Palapat, Hagonoy, Bulacan na dinakip sa bisa ng Warrant of Arrest para sa 4 counts ng Statutory Rape at Lascivious Conduct sa ilalim ng Republic Act No. 7610 na walang inirekomendang piyansa.

Ayon kay Police Colonel Jay B Baybayan, Acting Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, patuloy na paiigtingin ng Bulacan PPO ang kampanya laban sa mga wanted person upang mapanagot ang mga lumalabag sa batas at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan ng Bulacan na layunin ng “Bagong PNP sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

Source: Bulacan Police Provincial Office

Leave a Reply