Nakiisa ang mga tauhan ng Roxas Police Station sa isinagawang Tree Planting Activity sa Sanitary Landfill sa Brgy. Sinamar, Roxas, Isabela noong Hulyo 17, 2026, bilang bahagi ng pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan.
Pinangunahan ni PMaj Christian Arc T. Caoile, Chief of Police ng Roxas Police Station, ang pakikilahok ng yunit katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Local Government Unit ng Roxas, Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Fire Protection (BFP), at iba’t ibang non-government organizations (NGOs).
Layunin ng aktibidad na isulong ang pangangalaga sa kapaligiran, makatulong sa climate change mitigation, at mapalawak ang kamalayan ng komunidad sa kahalagahan ng pangangalaga at konserbasyon ng likas na yaman sa pamamagitan ng sama-samang pagtatanim ng mga puno.
Patuloy na pinagtitibay ng Roxas Police Station ang suporta nito sa mga programang pangkalikasan sa pamamagitan ng aktibong pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan at iba pang katuwang na ahensya, tungo sa isang mas luntian, mas ligtas, at mas napapanatiling komunidad sa Bagong Pilipinas.
Source: PNP Roxas MPS



