Rank 1 Most Wanted Person sa kasong statutory rape, arestado sa Basista, Pangasinan

0
122

Naaresto ng mga operatiba ng Basista Municipal Police Station (MPS) ang Top 1 Most Wanted Person (Municipal Level) sa isinagawang operasyon bandang 1:10 ng hapon noong Agosto 1, 2026 sa Brgy. Poblacion, Basista, Pangasinan.

Kinilala ang naaresto na si alyas “Johnmark” 22 anyos, binata, walang trabaho, at residente ng Brgy. Bayoyong, Basista, Pangasinan. Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Basista MPS ang naarestong suspek para sa kaukulang dokumentasyon at iba pang proseso bago iharap sa hukuman.

Patuloy ang Basista Municipal Police Station sa kanilang kampanya laban sa mga wanted person bilang bahagi ng mas pinaigting na pagpapatupad ng batas. Hinikayat din nito ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pamamagitan ng pagbibigay ng anumang impormasyon na makatutulong sa pag-aresto sa iba pang mga nagtatago sa batas upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan

Source: Basista MPS

Leave a Reply