Rank 1 Most Wanted Person sa Caba, La Union, arestado sa Manhunt Operation

0
370

Arestado ng mga awtoridad ang Rank 1 Most Wanted Person sa bayan ng Caba, La Union sa isinagawang manhunt operation noong Sabado, Hunyo 21, 2025.

Ayon Police Major Clinton P. Amawan, Hepe ng Caba Municipal Police Station, bandang alas-12:30 ng tanghali ng ikinasa ng pinagsanib na puwersa ng Caba MPS (bilang lead unit) katuwang ang mga operatiba mula sa La Union Provincial Intelligence Unit (LUPIU) at PIT La Union RIU 1, ang operasyong tinaguriang “Manhunt Charlie” sa Barangay Quinavite, Bauang, La Union.

Sa naturang operasyon, naaresto ang isang 70-anyos na lalaking na si alyas “Danny,” isang machinist, at residente ng Barangay Las-ud, Caba, La Union at itinuturing na Rank 1 Most Wanted Person sa Municipal Level sa kasong Rape.

Ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Rape sa ilalim ng Article 266-A, Paragraph 1, kaugnay ng Article 266-B ng Revised Penal Code, as amended by Republic Act No. 8353 o ang Anti-Rape Law of 1997, kung saan walang piyansa ang inirekomenda para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ang matagumpay na operasyon ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng kapulisan laban sa mga wanted persons upang masigurong mapanagot sa batas ang sinumang may kinahaharap na kaso.

Source: Caba Municipal Police Station