PRO 8 Regional Director, pinangunahan ang Closing Ceremony ng PSBRC Batch 2024-01 Class Masarigan

0
662

Pinangunahan ni Police Brigadier General Jay R Cumigad, Regional Director ng Police Regional Office 8, na nagsilbing Panauhing Pandangal at Tagapagsalita sa Closing Ceremony ng PSBRC Batch 2024-01 Class Masarigan na ginanap sa Police Regional Training Center (PRTC) 8, Kuta Kankabato, San Jose, Tacloban City nito lamang Hunyo 23, 2025.

Isang mainit na pagtanggap ang inilatag ng PRTC 8 sa pamumuno ni PLtCol Romeo S Santander, Officer-In-Charge. Dumalo rin sa naturang okasyon sina PCol Efren C. Tublan, Training Manager ng RSTU 8, at PLtCol Francisco D. Sumpo Jr., Officer-In-Charge ng Regional Learning and Doctrine Development Division 8 o RLDDD.

May kabuuang bilang na 201 police trainee ang nagsipagtapos sa naturang kurso na kinatawanan ng 40 na kababaihan at 161 na kalalakihan.

Ayon kay PBGen Cumigad, ang kahalagahan ng disiplina, kahusayan sa serbisyo, at tuloy-tuloy na paninindigan para sa pampublikong kaligtasan — bilang mga pangunahing haligi ng isang tunay na alagad ng batas.

Kabilang sa mga tampok na bahagi ng programa ang deklarasyon ng mga bagong nagtapos, paggawad ng mataas na pagkilala sa larangan ng akademya at sa mga natatanging trainees, pamimigay ng sertipiko, leadership awards, at pagkilala sa mga katuwang mula sa lokal na pamahalaan at mga donor.

Nagtapos ang programa sa pormal na turnover ng mga graduates sa RLDDD 8—isang mahalagang hakbang patungo sa kanilang aktibong pagsabak bilang bagong miyembro ng kapulisan.

Ito’y bunga ng dedikasyon ng PRTC 8 sa paghubog ng mga disiplinado, mahusay, at makataong pulis sa ilalim ng Bagong Pilipinas vision at ng Philippine National Police.