R-PSB Team Jamorawon tumulong sa 15 residente sa pagproseso ng student permit

0
39

Bilang konkretong pagpapakita ng “Serbisyong Nararamdaman,” tinulungan ng Masbate 1st Provincial Mobile Force Company R-PSB Team Jamorawon ang 15 residente ng Barangay Jamorawon, Milagros, Masbate, sa medical evaluation at pagproseso ng kanilang aplikasyon para sa Student Permit sa Land Transportation Office (LTO) ng Masbate City noong Setyembre 16, 2026.

Ang mga benepisyaryo ay mga residenteng unang nakilahok sa libreng Theoretical Driving Course (TDC) ng LTO sa kanilang barangay noong Agosto 28, 2026.

Matapos matukoy sa Needs Assessment Survey ang mga hamon ng mga residente sa pag-access at pagkumpleto ng mga serbisyo ng pamahalaan, nakipag-ugnayan ang R-PSB Team sa mga kinauukulang tanggapan at personal na gumabay sa mga benepisyaryo sa bawat hakbang ng proseso.

Sa pamamagitan ng maayos na koordinasyon at direktang assistance, matagumpay na nakumpleto ng lahat ng 15 residente ang kanilang mga kinakailangan at nakuha ang kani-kanilang Student Permit.

Sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Randy Glenn G Silvio, Regional Director ng Police Regional Office 5 (PRO5), ipinakita ng inisyatiba na ang presensya ng kapulisan ay hindi lamang nakikita kundi tunay na nararamdaman sa pamamagitan ng maagap na pagtugon sa pangangailangan ng komunidad.

“Hindi lamang tayo naroroon upang ipatupad ang batas, kundi upang makinig, umunawa, at tumulong sa abot ng ating makakaya. Asahan ninyo na patuloy nating ilalapit ang serbisyo ng pamahalaan sa ating mga komunidad,” pahayag pa ni PBGen Silvio.

Bahagi ang aktibidad sa pagpapatupad ng PNP Focused Agenda partikular na ang Community Support kung saan layon ng Pambansang Pulsita na palakasin ang ugnayan nito sa lahat ng mamamayan katuwang ang mga ahensya ng pamahalaan.

 Alinsunod sa adbokasiya ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” at sa patuloy na koordinasyon at makabuluhang community engagement, patuloy ang R-PSB Team Jamorawon at ang buong PRO5 sa paglalapit ng serbisyo ng pamahalaan sa mga residente at pagtataguyod ng mas ligtas, matatag, at empowered na komunidad.

Panulat ni PCpl Doxie Charesse C Casasos

Source: https://www.facebook.com/share/p/19gHbxgFuz/

Leave a Reply