Nakarekober ang mga awtoridad ng iba’t ibang armas, bala, pampasabog, at mga dokumentong may kaugnayan sa Communist Terrorist Group (CTG) sa isang bulubunduking lugar sa Brgy. Dungeg, Santa Ana, Cagayan noong Setyembre 17, 2026.
Pinangunahan ng 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company, sa pamamagitan ng Revitalized Pulis sa Barangay Team, ang joint recovery operation katuwang ang Santa Ana Municipal Police Station, Provincial Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit-Cagayan, Philippine National Police Special Action Force, Regional Mobile Force Battalion 2, Regional Intelligence Unit 2 Police Intelligence and Targeting Section Cagayan North, Provincial Intelligence Unit ng Cagayan Police Provincial Office, Criminal Investigation and Detection Group-Cagayan, Cagayan at Batanes Police Provincial Office, 203rd Maneuver Company, at 17th Infantry Battalion ng Philippine Army.
Isinagawa ang operasyon matapos ituro ng isang dating miyembro ng CTG na alyas “Rey” ang lugar na pinagtataguan umano ng mga armas at iba pang kagamitan ng grupo. Kabilang sa mga nakarekober ang isang M1 Garand rifle, Caliber .22 rifle, homemade 5.56 revolver, homemade improvised shotgun, improvised anti-personnel mine components, tatlong 40mm CTG high explosives, dalawang rifle grenade na may bulltrap, mga magazine, iba’t ibang bala, iba pang explosive-related items, at mga subversive documents na may mga markang “Baringkuas,” “Krisis sa Ekonomiya,” at “Bayan.”
Agad isinailalim sa kaukulang custody, examination, at disposition ang mga nakuhang armas, bala, pampasabog, at dokumento para sa wastong paghawak, forensic examination, at karagdagang imbestigasyon.
Patuloy namang pinaiigting ng Cagayan Police Provincial Office at mga katuwang na security forces ang koordinadong operasyon at information gathering upang matukoy at mapigilan ang mga banta sa seguridad at mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng mga komunidad, alinsunod sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: https://www.facebook.com/share/p/1YFKCWMQCa/?mibextid=wwXIfr

