PNP at PCG, ligtas na nasaklolohan ang 164 pasahero ng sumadsad na RoRo sa Occidental Mindoro

0
21
Screenshot

Ligtas na nailikas ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng pumumuno ni Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., Chief, PNP kasama ang Philippine Coast Guard ang nasa 164 indibidwal na sakay ng sumadsad na roll-on/roll-off (RoRo) vessel sa baybayin ng Abra de Ilog, Occidental Mindoro nito lamang madaling araw ng Huwebes, September 17, 2026.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente bandang alas 12:30 ng umaga kung saan sumadsad ang MV RoRo Master 5 patungong Matabang Port na may sakay na 114 pasahero at 49 na crew members.

Agad nisrespondehan ng mga tauhan ng PNP Maritime Group, sa pamamagitan ng Maritime Law Enforcement Team ng Abra de Ilog, Occidental Mindoro, katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG) upang tumulong at ligtas na ilikas ang mga biktima.

Ligtas namang narescue ang lahat ng mga biktima at dinala sa Brgy. Udalo patungong Passenger Terminal Building ng Matabang Port para sa nararapat na assistance ng Municipal at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.

“Our priority was clear from the moment we received the report, get the passengers to safety and make sure the response is coordinated. Kapag may ganitong sitwasyon, mabilis na pagkilos at maayos na coordination ang mahalaga. Our personnel did their part, together with our partner agencies, to help bring everyone safely to shore” (Malinaw ang aming prayoridad mula pa noong matanggap namin ang ulat—ang dalhin ang mga pasahero sa kaligtasan at tiyaking maayos ang koordinasyon ng pagtugon. Sa ganitong mga sitwasyon, mahalaga ang mabilis na pagkilos at maayos na koordinasyon. Ginampanan ng aming mga tauhan ang kanilang tungkulin, katuwang ang iba pang mga partner agency, upang matiyak na makararating nang ligtas sa pampang ang lahat ng mga sakay ng barko), pahayag pa ni PGen Nartatez.

Ang agarang aksyon ng kapulisan ay naayon sa PNP Focused Agenda, partikular na ang Enhanced Managing Police Operations (EMPO), na may layuning maghatid ng maagap at epektibong operasyon para mapangalagaan ang publiko alinsunod sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: https://www.facebook.com/share/v/1M6KPPF2qg/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply