Pinagtibay ng Isabela Police Provincial Office (PPO), sa pangunguna ni PCol Manuel B. Bringas, Provincial Director, ang kahalagahan ng organizational accountability sa hanay ng mga tauhan nito sa pagbisita ni PCol Giovanni Hycenth H. Caliao, Chief ng Real Property Management Division, Directorate for Logistics, at ng kanyang grupo sa Isabela PPO noong Setyembre 17, 2026.
Isinagawa ang pagbisita kaugnay ng Oplan Disiplina: National Accounting of PNP Personnel, isang inisyatibang naglalayong tiyakin ang maayos na accounting at verification ng mga personnel ng Philippine National Police, alinsunod sa mga itinakdang polisiya at proseso ng organisasyon.
Binigyang-diin din sa aktibidad ang kahalagahan ng organizational accountability, disiplina, at kahandaan ng mga personnel sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin at responsibilidad bilang mga alagad ng batas.
Patuloy namang nakikiisa ang Isabela PPO sa mga inisyatibang naglalayong palakasin ang disiplina, pananagutan, at kahandaan ng mga personnel, bilang bahagi ng pagsusulong ng isang organisasyong may maayos na pamamahala at episyenteng serbisyo publiko, alinsunod sa adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: https://www.facebook.com/share/p/18xixx8c2E/?mibextid=wwXIfr

