Tuesday, May 7, 2024

Provincial E- CLIP Amnesty Summit 2024, isinagawa

Ginanap sa Ifugao Police Provincial Office ang Provincial E-CLIP Amnesty Summit 2024 sa Tanglaw-Lahi Conference Hall, Camp Col Joaquin P Dunuan, Poblacion North, Lagawe, Ifugao sa mismong araw ng anibersaryo ng National Democratic Front nito lamang Abril 24, 2024.

Ayon kay Police Colonel Marvin S Diplat, Provincial Director ng Ifugao PPO, naging matagumpay ang aktibidad dahil sa pagsisikap ng mga kawani at kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng Gobyerno na bumubuo sa E-CLIP Cluster tulad ng 54th Infantry Battalion, 5th Infantry Division, Philippine Army, Ifugao Police Provincial Office, Department of  Trade and Industry, Department of Labor and Employment, Department of Social Welfare and Development upang mabigyan ng sapat na serbisyo ang mga Friends Rescued (FRs) bilang panimula sa kanilang bagong buhay. 

Tampok sa aktibidad ang pagbibigay ng mahahalagang kaalaman, inspirational na mensahe at encouragement para sa mga FRs kung saan ito ay ibinahagi ng mga namumuno sa E-CLIP cluster.

Samantala, binigyang diin ni PCol Diplat na kinatawan ni Police Lieutenant Colonel Samson L Kimayong, Deputy Provincial Director for Administration, na ang puso ng programa ay nasa paniniwala na ang bawat indibidwal ay karapat-dapat sa pagkakataong umunlad hindi base sa nakaraan kundi base kasalukuyang gawain at hangarin na mapabuti ang kinabukasan na malayo sa gulo, karahasan, terorismo, at insurhensya.

Ito ay patunay na ang pamahalaan ay kumikilos upang tulungan na makabalik sa maayos na pamumuhay ang mga FRs at tuluyang talikuran ang makakaliwang pakikibaka.

Panulat ni PSSg Ermilinda Cacliong

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,130SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles