Project Restrict, Track, and Turn-in ng PRO6, nakapagtala ng 16 loose firearms, sa loob lamang ng 24 oras

0
145
Screenshot

Nakapagtala ang Police Regional Office 6 (PRO6) ng tinatayang nasa 16 loose firearms sa loob lamang ng 24 oras, bilang bahagi ng kampanya kontra ilegal na baril sa pamamagitan ng Project R.T.T. (Restrict, Track, and Turn-in).

Simula alas 6:00 ng umaga ng August 19 hanggang alas 5:59 ng umaga ng August 20, 2026, nasa kabuuang 14 na baril ang isinuko sa Antique habang tig-iisang baril naman ang naisuko sa mga kapulisan sa Iloilo Province at Iloilo City.

Sa ilalim ng Project R.T.T., hinihikayat ang mga residente, partikular na ang mga firearm owners, na i-surrender ang kanilang mga ilegal, unregistered, at hindi awtorisadong mga baril bilang pagtalima sa batas at iba pang mga regulasyon.

Ayon pa kay PBGen Randulf T. Tuaño, Regional Director ng PRO6, ang nasabing bilang ay nagpapakita ng maayos na partisipasyon ng komunidad upang panatilihing ligtas ang buong rehiyon.

Aniya, “When firearm owners choose to surrender firearms that are not properly documented or authorized, they are helping reduce a potential risk in their own communities. We appreciate their cooperation and encourage others to take the lawful route by coordinating with the police for proper guidance.” (Kapag pinipili ng mga may-ari ng baril na boluntaryong isuko ang mga baril na walang kaukulang dokumento o awtorisasyon, nakatutulong sila na mabawasan ang posibleng panganib sa kanilang komunidad. Pinahahalagahan natin ang kanilang pakikipagtulungan at hinihikayat ang iba na piliin ang naaayon sa batas sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa pulisya para sa tamang gabay at proseso).

Alinsunod sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman,” patuloy na nakikipagtulungan ang PRO6 sa mga lokal na pamahalaan at iba pang mga stakeholders upang mapagtibay pa ang mga parehong hakbang upang labanan ang sirkulasyon ng mga ilegal na baril.

Muli namang nagpaalala ang PRO6 sa publiko na ugaliing iparehistro ang kanilang mga baril sa pamamagitan ng pakikipag-koordinasyon sa pulisya upang maiwasan ang anumang aberya na may kaugnayan sa kanilang mga pagmamay-aring baril.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1JoqyLKKdY/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply