2nd Cagayan PMFC, naghatid ng tulong sa pamilyang Agta sa Gattaran, Cagayan

0
146

Naghatid ng mga bigas at grocery packs ang mga tauhan ng 2nd Maneuver Force Platoon (MFP), 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company (PMFC), sa pangunguna ni PCMS Leonard Tarubal, sa mga pamilyang Agta na hikahos sa buhay sa Barangay Baracaoit, Gattaran, Cagayan noong Agosto 19, 2026.

Ang simpleng inisyatiba ay isinagawa upang makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya at maipadama ang malasakit ng kapulisan sa mga sektor na nangangailangan ng suporta.

Sa pamamagitan nito, naipakita ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan at pagtutulungan ng kapulisan at komunidad sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan.

Patuloy na isinusulong ng 2nd Cagayan PMFC ang serbisyong may malasakit at makatao upang mapatatag ang ugnayan sa komunidad at maisabuhay ang adhikain ng Pambansang Pulisya na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PNP 2nd Cagayan PMFC

Leave a Reply