“Project PACDAW” ng 2nd Benguet PMFC, muling umarangkada

0
127

Muling umarangkada ang “Project PACDAW” ng mga tauhan ng 2nd Benguet Provincial Mobile Force Company sa Strawberry Farm, La Trinidad, Benguet nito lamang Huwebes, Mayo 28, 2026.

Isinagawa ang aktibidad sa pangunguna ni PMSg Neil Liwaliw, sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Marvie C Amilao, Force Commander 2nd Benguet PMFC, katuwang si Ms. Clemencia Lapas na aktibong nakiisa upang matugunan ang pangangailangan ng mga lokal na mamamayan.

Namahagi ang grupo ng iba’t ibang klase ng libreng gulay sa mga komunidad, na lubos namang ikinatuwa ng mga benepisyaryo.

Ang Project “PACDAW” ay patuloy na isinasagawa ng 2nd Benguet PMFC na naglalayong makamit ang kaayusan at kapayapaan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan at paghahatid ng serbisyo, lalo na sa mga higit na nangangailangan, tungo sa isang Bagong Pilipinas.

Source: Benguet 2nd Mobile Force Company

Leave a Reply