Buguias PNP, naghandog ng tulong sa mga magsasaka sa Buguias, Benguet

0
110

Taos-pusong naghandog ng tulong ang mga tauhan ng Buguias Municipal Police Station at 1st Benguet Provincial Mobile Force Company sa mga magsasakang nag-aani ng repolyo sa Buguias, Benguet nito lamang Mayo 28, 2026.

Sa gitna ng nararanasang krisis sa bansa, isa sa higit na naaapektuhan ay ang sektor ng agrikultura, lalo na ang mga magsasaka. Dahil dito, agad na tumulong ang mga kapulisan sa pag-aani, paglilinis, at pagbubuhat ng mga repolyo bilang suporta sa mga magsasaka sa lugar, sa kabila ng patuloy na pagbaba ng presyo ng repolyo sa buong lalawigan ng Benguet. Sa simpleng paraan, layunin ng kanilang pagtulong na maibsan ang hirap at pagod na dinaranas ng mga magsasaka.

Hinihikayat din ng kapulisan ang bawat isa na suportahan at kilalanin ang ating mga magsasaka sa kanilang sakripisyo at dedikasyon upang matiyak ang pagkain sa hapag ng bawat pamilyang Pilipino.

Ang PNP Buguias ay hindi lamang nagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan kundi nakikipagtulungan din, nakikiramay at nakikiisa sa komunidad sa panahon ng mahihirap na panahon na sumasalamin sa mantra ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PNP Buguias Mps

Leave a Reply