Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Flag Day ngayong ika-28 ng Mayo 2026, pinangunahan ni Police Brigadier General Erosito N. Miranda, Regional Director, ang seremonya ng pagtaas ng pambansang watawat ng Pilipinas.
Ang nasabing gawain ay nagsisilbing pagpupugay sa simbolo ng ating kalayaan at pagkakakilanlan bilang isang bansa. Ang watawat ng Pilipinas ay kumakatawan sa katapangan, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan ng bawat Pilipino na handang maglingkod at magsakripisyo para sa kapakanan ng sambayanan.
Sa kanyang pamumuno sa rehiyon, muli niyang pinaalalahanan ang bawat kawani at miyembro ng hanay ng kapulisan kaugnay sa kahalagahan ng pagpapanatili ng dangal, integridad, at tapat na paglilingkod sa mamamayan sa ilalim ng iisang watawat na bahagi rin sa hangarin ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”
Patuloy na magsisilbing inspirasyon ang diwa ng National Flag Day upang higit pang paigtingin ang malasakit sa bayan at ang paninindigan para sa kapayapaan, kaayusan, at seguridad ng bansa



