Project I.L.A.W. ng 2nd Albay PMFC, nagkaloob ng flashlight at arnis sa Brgy. Malabog, Daraga

0
60

Pinaigting ng 2nd Albay Provincial Mobile Force Company (PMFC) ang kampanya para sa ligtas at mapayapang komunidad sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga flashlight at arnis sa Peace and Order Committee ng Brgy. Malabog, Daraga, Albay, noong Oktubre 18, 2026. Isinagawa ang aktibidad sa ilalim ng Project I.L.A.W. (Ilaw Laban sa Kriminalidad at Karahasang Dapat Wakasan), isang best practice na naglalayong suportahan ang mga lokal na katuwang sa pagpapanatili ng kaayusan at pag-iwas sa kriminalidad at karahasan.

Ang mga flashlight ay magsisilbing karagdagang kagamitan sa pagbabantay at mga gawaing pangkaligtasan sa barangay, habang ang mga arnis ay maaaring gamitin sa angkop na pagsasanay upang malinang ang kahandaan at disiplina. Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, binibigyang-diin ng 2nd Albay PMFC ang mahalagang papel ng mga opisyal ng barangay at mamamayan sa pagpapanatili ng kapayapaan, gayundin ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos upang maprotektahan ang bawat pamilya laban sa mga banta ng kriminalidad at karahasan.

Kaakibat ng PNP Focused Agenda, partikular sa Community Support, ang Project I.L.A.W. ay naglalayong patatagin ang ugnayan ng kapulisan at komunidad sa pamamagitan ng konkretong suporta at pagtutulungan. Nakaangkla rin ito sa Project Alagang KA.SU.ROG (KA — Kapamilyang ituring ang komunidad; SU — Suportang tapat at nararamdaman; ROG — Respondeng mabilis, Obligasyong may puso, at Gabay ng mamamayan), sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Randy Glenn G. Silvio, Regional Director ng Police Regional Office 5 (PRO 5), na nagtataguyod ng serbisyong may malasakit, tapat na suporta, mabilis na pagtugon, at paggabay sa mamamayan.

Sa pamamagitan ng Project I.L.A.W., muling pinagtitibay ng PRO 5 ang pangako nitong ilapit ang serbisyong pulisya sa komunidad at isulong ang isang ligtas, maunlad, at mapayapang Bicol.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1DyvUF4C1u/

Panulat ni: PCpl Doxie Charesse C Casasos

Leave a Reply