Operasyon kontra loose firearms, umabot sa 104% ang itinaas mula Enero hanggang Setyembre 2026

0
51

Umabot sa 28,308 ang mga operasyong isinagawa ng Philippine National Police (PNP), sa ilalim ng pamumuno ni PNP Chief, PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., laban sa loose firearms sa buong bansa mula Enero 1 hanggang Setyembre 30, 2026, katumbas ng 103.93 porsiyentong pagtaas mula sa 13,881 operasyong naitala sa kaparehong panahon noong 2025.

Kasabay ng pagdami ng mga operasyon, umakyat din sa 38,580 ang bilang ng mga nakumpiskang baril, mula sa 29,447 noong nakaraang taon. Samantala, umabot sa 8,186 ang mga naaresto kaugnay ng kampanya, kumpara sa 8,368 sa kaparehong panahon noong 2025.

“We are intensifying our efforts to take loose firearms off the streets and prevent them from being used to threaten lives and communities. Our operations will remain firm, lawful, and accountable” (Pinatitibay natin ang ating mga pagsisikap na alisin sa mga lansangan ang mga loose firearms o mga baril na hindi rehistrado o walang kaukulang dokumento, at maiwasan ang paggamit ng mga ito sa pananakot at paglalagay sa panganib ng buhay ng mga mamamayan at kaligtasan ng mga komunidad. Mananatiling matatag, naaayon sa batas, at may pananagutan ang ating mga operasyon), ani PGen Nartatez.

Bahagi ng kampanya ng PNP Focused Agenda, partikular ng Enhanced Managing Police Operations (EMPO), na naglalayong higit pang palakasin ang mga operasyon at tiyakin ang mahigpit at makatarungang pagpapatupad ng batas. Alinsunod din ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipagpatuloy ang mga hakbang upang mapigilan ang ilegal na pagmamay-ari at paggamit ng mga baril.

Patuloy na pinaiigting ng PNP ang kampanya laban sa loose firearms upang maiwasan ang paggamit ng mga ito sa krimen at higit na mapangalagaan ang kapayapaan at seguridad ng mga komunidad, alinsunod sa adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PNP-PIO (https://www.facebook.com/share/p/1E1XgJivZN/)

Leave a Reply