PRO7, handa na sa ASEAN Summit 2026; higit 7,300 security forces, itatalaga sa buong rehiyon

0
723

Handa na ang buong hanay ng Police Regional Office 7 (PRO7) sa gaganaping ASEAN Summit sa Cebu at iba pang bahagi ng Central Visayas. Ito ay kasunod ng idinaos na send-off ceremony ng nasa mahigit 7,300 security at medical personnel na ginanap sa Mactan Shrine ngayong araw, May 2, 2026.

Nanguna sa nasabing send-off ceremony si PGen Jose Melencio C Nartatez Jr., Chief, Philippine National Police (PNP), kasama ang ilang mga miyembro ng Directorial Staff, na siyang nagbigay ng hudyat ng pagsisimula ng operasyon ng unified, multi-agency security command para sa 48th ASEAN Leaders’ Summit.

Bahagi ang malawakang personnel deployment sa hangarin ng pamahalaan na tiyakin ang kaligtasan ng lahat ng mga pinuno ng ASEAN, maging ang kani-kanilang mga delegado, at higit sa lahat, masiguro ang seguridad ng buong rehiyon habang isinasagawa ang nasabing mga mahahalagang talakayan.

Kabilang sa mga itinalaga sa ilalim ng komprehensibong security framework ang mga tauhan ng PRO7, Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard, Armed Forces of the Philippines, Department of Health, Lapu-Lapu City Traffic Office, Presidential Security Command, at maging ang ilang mga force multipliers na tutulong para sa pagbabantay ng buong aktibidad.

Kabilang sa mga iniatas sa nasabing mga security personnel ang pagbabantay sa mga  venue, route and convoy security, maritime and airspace surveillance, traffic management, emergency medical response, at rapid incident deployment.

Samantala, inihanda naman ng PRO7 ang nasa 2,850 na mga operational assets nito, kabilang na ang mga mobile patrol units, communications equipment, mga motorsiklo, drones, watercraft, fire truck, ambulance, at iba pang mga critical resources para sa nasabing deployment.

Dumalo naman sa nasabing seremonya ang ilang mga pangunahing lider ng bansa mula sa mga national at maging sa regional agencies, na tiniyak ang whole-of-government approach upang bantayan ang seguridad ng gaganaping  ASEAN Summit.

Kabilang na rito si Lapu-Lapu City Mayor Ma. Cynthia K. Chan, na binigyang-diin ang buong suporta ng Lapu-Lapu City LGU para sa katagumpayan ng gaganaping summit sa rehiyon.

Aniya, “As you take on your posts, carry the spirit of service and excellence. Your dedication will ensure a peaceful, organized, and historic summit—one that strengthens our nation’s role in advancing regional cooperation.”

“This is not a hasty preparation. We have been building this operation since last year, refining templates from past national and international events. With solid planning comes operational success,” pagtiyak naman ni PGen Nartatez.

Samantala, buo naman ang tiwala ni PGen Nartatez kay PBGen Arnold E. Abad, Regional Director ng PRO7 at Sub-Task Group Commander para sa mga venues, dahil sa maayos nitong liderato at sa operational expertise ng huli, partikular na sa pagkakaroon ng mga complex security environments.

Leave a Reply