Basic Search and Rescue Training, isinagawa ng Sorsogon PPO

0
1402

Kamakailan lamang, matagumpay na naglunsad ng Basic Search and Rescue Training ang Sorsogon Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Colonel Alex C Danile, Provincial Director, para sa lahat ng mga tauhan nito.

Isinagawa ang Basic Search and Rescue Training para sa mga patroller na dinaluhan ng mga personnel mula sa iba’t ibang istasyon, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kahandaan sa pagtugon sa mga sakuna at emerhensiya.

Layunin ng pagsasanay na mapahusay pa ang kakayahan ng mga pulis sa agarang pagresponde, kung saan aktuwal na isinagawa ang iba’t ibang teknik sa paghahanap at pagsagip ng mga posibleng biktima upang matiyak ang kaligtasan ng mamamayan sa oras ng pangangailangan.

Kaugnay nito, naging mahalagang bahagi ng aktibidad ang pakikiisa ng Bureau of Fire Protection (BFP) na nagsilbing mga tagapagturo sa Basic Life Support (BLS) Seminar. Ibinahagi rin ng BFP ang kanilang kaalaman at kasanayan sa tamang pagbibigay ng paunang lunas, kabilang ang CPR at iba pang life-saving procedures, na kritikal sa pagresponde sa mga insidenteng may kinalaman sa buhay at kalusugan.

Patunay ang aktibidad sa patuloy na pagsisikap ng kapulisan, katuwang ang iba pang mga ahensya, na maging handa, maagap, at epektibo sa pagtupad ng kanilang tungkulin para sa kapakanan ng mamamayan alinsunod sa hangarin ng Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.

Leave a Reply