PRO6, nasamsam ang mahigit Php 1.4M shabu; 8 drug personalities, arestado

0
38
Screenshot

Nagresulta ang pinaigting na kampanya kontra ilegal na droga ng Police Regional Office 6 (PRO6) sa pagkakasamsam ng tinatayang 214 gramo ng hinihinalang shabu na may kabuuang Standard Drug Price na Php1,455,200.00 at pagkakaaresto ng walong drug personalities sa magkakahiwalay na operasyon na isinagawa sa iba’t ibang bahagi ng Western Visayas.

Sa Iloilo City, inaresto ng mga operatiba ng Iloilo City Police Station 2 sina alias “Jingle,” 49-anyos, na itinuturing na High-Value Individual (HVI), at alias “Kim,” 31-anyos, na kinilalang Street-Level Individual (SLI), sa isinagawang buy-bust operation sa Zone 3, Brgy. Lopez Jaena Norte, La Paz. Nasamsam mula sa kanila ang tinatayang 60 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php408,000.00.

Samantala, sa Pavia, Iloilo, inaresto ng mga operatiba ng Pavia Municipal Police Station (MPS) si alias “Ry,” 39-anyos, isang HVI at residente ng Brgy. Ungka 1, Pavia, sa isinagawang buy-bust operation. Nakumpiska ng mga awtoridad ang tinatayang 65 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php442,000.00.

Sa kabilang dako naman, inaresto ng mga operatiba ng San Jose MPS ang isa pang HVI na si alias “Toto,” 47-anyos, residente ng Brgy. Inabasan, San Jose, sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. 1, San Jose, Antique. Narekober mula sa kanya ang tinatayang 65 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php442,000.00.

Pinuri ni PBGen Randulf T. Tuaño, Acting Regional Director ng PRO6, ang mga operating unit sa matagumpay na operasyon at muling iginiit ang commitment ng PRO6 sa pagpapatuloy ng kampanya laban sa ilegal na droga.

“Ang mga makabuluhang pagkakasamsam na ito ay bunga ng walang tigil na pagsisikap ng ating mga tauhan laban sa ilegal na droga sa rehiyon. Makakaasa ang publiko na magpapatuloy ang pinaigting nating anti-drug operations upang makatulong sa layuning maging drug-free ang Western Visayas,” ani PBGen Tuaño.

Hinimok din niya ang publiko na patuloy na suportahan ang kampanya ng PNP laban sa ilegal na droga.

Sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Tuaño, patuloy na pinaiigting ng PRO6 ang kampanya kontra ilegal na droga bilang bahagi ng adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman” sa ilalim ng pamumuno ni PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., Chief, PNP.

Leave a Reply