Bukod sa patuloy na pagmomonitor sa kapayapaan at kaayusan sa mga pangunahing lansangan, nagsagawa ng police visibility patrol ang Kasurog Biker Team ng PRO5 nito lamang Biyernes, Hulyo 3, 2026, sa ilang paaralan sa rehiyon ng Bicol.
Sa pamamagitan ng kanilang pag-iikot, tiniyak ng mga pulis ang seguridad ng mga mag-aaral, guro, at iba pang kawani ng paaralan, lalo na sa oras ng pagpasok ng mga estudyante. Layunin din nitong mapigilan ang anumang insidente ng kriminalidad, mapanatili ang kaayusan sa loob at paligid ng mga paaralan, at mapalakas ang tiwala ng publiko sa presensya ng kapulisan.
Ang naturang inisyatibo ay bahagi ng pinalakas na police visibility ng Pambansang Pulisya na naglalayong matiyak na laging may presensya ang kapulisan sa komunidad at agarang makapagbigay ng responde sa anumang uri ng emergency o insidente.
Ang PRO5 ay nananatiling katuwang ng komunidad sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan. Sa pamamagitan ng malapit na pakikipag-ugnayan sa mga paaralan, mga magulang, at iba pang sektor ng lipunan, nais ng himpilan na mapalakas ang sama-samang pagkilos laban sa kriminalidad at higit pang mapatatag ang seguridad sa bawat pamayanan.
Samantala, patuloy namang nananawagan ang PRO5 sa publiko na makiisa at makipagtulungan sa mga awtoridad sa pamamagitan ng agarang pag-uulat ng anumang kahina-hinalang aktibidad o insidenteng maaaring magbanta sa kapayapaan at kaayusan.
Sa pamamagitan ng matibay na pagtutulungan ng kapulisan at ng komunidad, mas magiging epektibo ang pagpigil sa kriminalidad at mapananatili ang isang ligtas, mapayapa, at maayos na kapaligiran para sa lahat alinsunod sa bisyon ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”



