Higit Php 72M halaga ng hinihinalang shabu, narekober ng PRO6 sa buwan ng Hunyo; 162 drusg suspects, arestado

0
153
Screenshot

Nagresulta ang pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga ng Police Regional Office 6 (PRO6) sa pagkakaaresto ng 162 drug personalities at pagkakasamsam ng mahigit 10 kilo ng hinihinalang shabu na may tinatayang Standard Drug Price (SDP) na PHP72,366,307.20 mula Hunyo 1 hanggang 30, 2026.

Sa loob ng 30 araw, nagsagawa ang PRO6 ng 128 intelligence-driven anti-illegal drug operations sa buong Kanlurang Visayas. Kabilang sa mga naaresto ang 63 High-Value Individuals (HVIs) at 99 Street-Level Individuals (SLIs), na nagpapakita ng tuloy-tuloy na kampanya ng rehiyon laban sa ilegal na droga sa lahat ng antas.

Nasamsam din sa mga operasyon ang 496.96 gramo ng kush at marijuana sa nasabing panahon.

Ang tagumpay ng kampanya ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng Regional Police Drug Enforcement Unit 6 (RPDEU-6), mga Police Provincial Office, Iloilo City Police Office (ICPO), at iba pang operating units sa buong Kanlurang Visayas. Ang kanilang sustained intelligence-driven operations, matibay na koordinasyon, at hindi matatawarang dedikasyon ang naging daan sa tagumpay ng pinaigting na kampanya ng pro6 laban sa ilegal na droga.

Pinuri ni PBGen Randulf T. Tuaño ang dedikasyon at propesyonalismo ng lahat ng operating units sa patuloy na pagsasagawa ng intelligence-driven anti-illegal drug operations.

“Ipinapakita ng mga tagumpay na ito ang matatag na paninindigan ng PRO6 na protektahan ang ating mga komunidad laban sa banta ng ilegal na droga. Patuloy nating paiigtingin ang ating mga operasyon, palalakasin ang ating koordinasyon sa mga katuwang na ahensya, at higit pang makikipagtulungan sa komunidad upang mapigilan ang kalakalan ng ilegal na droga sa Kanlurang Visayas,” ani PBGen Tuaño.

Hinimok din niya ang mga lokal na pamahalaan, mga opisyal ng barangay, at ang publiko na manatiling mapagmatyag at agad na iulat sa mga awtoridad ang anumang ilegal na aktibidad na may kaugnayan sa droga sa kanilang mga komunidad.

Ang mga naarestong indibidwal ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy na naninindigan ang PRO6 sa pagpapaigting ng kampanya laban sa ilegal na droga sa pamamagitan ng mas pinaigting na law enforcement, pinalakas na pakikipag-ugnayan sa mga katuwang na sektor, at aktibong pakikilahok ng komunidad. Ang mga pagsisikap na ito ay alinsunod sa adbokasiya ng Philippine National Police na “Bagong PNP pata sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply