Naaresto ng mga operatiba ng Police Regional Office Negros Island Region (PRO-NIR) ang isang Regional Top 7 Most Wanted Person sa isinakatuparang manhunt operation dakong alas 12:25 ng hapon nito lamang July 3, 2026 sa Barangay Delicioso, Ilog, Negros Occidental.
Kinilala ang naarestong wanted person na si alyas “Gem,” 22-year-old na magsasaka at residente ng Barangay Bantayan, Kabankalan City, Negros Occidental.
Nanguna sa operasyon ang Ilog Municipal Police Station sa ilalim ng Negros Occidental Police Provincial Office (NOcPPO) sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong murder na walang piyansang inirekomenda.
Agad namang ipinaalam kay alyas “Gem” ang kaniyang mga karapatan alinsunod sa mga probisyon ng Anti-Torture Act sa pananalitang kaniyang nauunawaan. Dinala ito sa kustodiya ng Ilog Municipal Police Station para sa karagdagan pang mga legal na dokumentasyon.
Pinuri ni PBGen Romano V Cardiño, Acting Regional Director ng PRO-NIR, ang mga operatiba sa maagap at maingat na operasyon na nagresulta sa pagkakasakote ng nasabing wanted person.
Aniya, “The arrest of the Regional Top 7 Most Wanted Person sends a strong message that no fugitive can outrun justice forever. Through intensified manhunt operations and strong coordination among our operating units, we will relentlessly pursue wanted persons and ensure they are brought before the courts to answer for their crimes. This accomplishment reflects our commitment to keeping our communities safe and upholding the rule of law.”
Alinsunod sa SAFE NIR (Seen, Appreciated, Felt, Extraordinary) Program na naaayon sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamsaman,” magpapatuloy ang PRO-NIR sa pagpapaigting ng kanilang kampanya laban sa lahat ng mga nagtatago sa batas sa pamamagitan ng mga intelligence-driven operations at mabilis na implementasyon ng mga warrant of arrest para sa kaligtasan at kapayapaan ng buong Negros Island Region.



