Kinilala ng Police Regional Office 4A (PRO 4A) ang mga nangungunang performing units nito para sa Hulyo 2026 sa isinagawang “One-Month Accomplishment: B.E.S.T. Impact” presentation noong Agosto 11, 2026, sa MPC Hall, Camp BGen Vicente P Lim, Calamba City, Laguna. Pinangunahan ang aktibidad ni PBGen Dominic L. Baccay, Acting Regional Director, bilang pagkilala sa husay at dedikasyon ng mga yunit sa pagpapatupad ng kanilang mga tungkulin.
Nanguna bilang Best Police Provincial Office ang Cavite PPO, habang kinilala naman bilang Best Component City Police Station ang Lucena CPS. Ang Rodriguez MPS, Mabini MPS at Cuenca MPS ang itinanghal na Best Municipal Police Stations para sa Classes A, B at C, ayon sa pagkakasunod-sunod. Samantala, kinilala rin ang 2nd Batangas PMFC bilang Best PMFC, CIDG RFU 4A bilang Best ROSU, at RLO 4A bilang Best RASU.
Ipinakita ng pagkilala ang mahalagang ambag ng mga yunit sa pagsusulong ng PNP Focused Agenda, partikular sa Enhanced Managing Police Operations (EMPO) at Promoting Morale and Welfare, habang patuloy na pinauunlad ang mabilis at responsableng serbisyo publiko sa buong CALABARZON. Nakaangkla ang kanilang pagsisikap sa B.E.S.T. Policing Framework—Be Visible, Engage Immediately, Serve Together, and Transform Trust—na naglalayong palakasin ang tiwala at ugnayan ng pulisya at komunidad.
Patuloy namang hinihikayat ng PRO 4A ang mga tauhan nito na panatilihin ang mataas na pamantayan ng serbisyo, integridad at propesyonalismo sa pagtupad sa tungkulin. Ang pagkilalang ito ay sumasalamin sa dedikasyon ng PNP sa paghahatid ng ‘serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.’
Source: PRO4A



