Naaresto ng Police Regional Office 6 (PRO6) ang Top 6 Provincial-Level Most Wanted Person sa isinagawang manhunt operation sa Sitio Tabuc Suba, Barangay Badu, Calinog, Iloilo, bandang 12:45 ng tanghali noong Agosto 11, 2026.
Ang akusado, na kinilala sa alyas na “John,” 22 taong gulang, binata, at residente ng Barangay Badu, Calinog, Iloilo, ay inaresto ng Tracker Team ng Passi City Police Station (CPS), katuwang ang 602nd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 6 (RMFB6).
Isinilbi laban sa kanya ang Warrant of Arrest para sa kasong Statutory Rape sa ilalim ng Article 266-A, Paragraph 1 ng Revised Penal Code, na inamyendahan ng Republic Act No. 11648. Ang warrant ay inilabas noong Agosto 10, 2026 ng Regional Trial Court, Sixth Judicial Region, Branch 6, Dumangas, Iloilo. Walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.
Pinuri ni PRO6 Regional Director, Police Brigadier General Randulf T Tuaño, ang mga operatiba sa matagumpay na operasyon. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na intelligence-driven manhunt operations upang matunton at maaresto ang mga wanted persons.
“Ang pagkakaaresto sa wanted person na ito ay patunay ng ating patuloy na pagtugis sa mga indibidwal na may pananagutan sa batas. Sa pamamagitan ng maagap na intelligence gathering, masusing validation, at koordinadong pagkilos ng ating mga yunit, patuloy nating tinitiyak na ang mga akusado ay haharap sa tamang proseso ng hustisya,” ani PBGen Tuaño.
Ang akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Passi CPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.
Ang operasyong ito ay kaakibat ng adbokasiya ng Philippine National Police na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” sa ilalim ng pamumuno ni Police General Jose Melencio C Nartatez Jr., Chief, PNP.



