PRO3, nakibahagi sa sandbagging operations sa San Simon, Pampanga dulot ng pagbaha

0
154

Aktibong nakibahagi ang Police Regional Office 3 (PRO3) sa mga hakbang para mabawasan ang epekto ng pagbaha sa San Simon, Pampanga matapos magsagawa ng sandbagging operations ang mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion 3 (RMFB3) sa Southbound Entry noong Setyembre 2, 2026. Isinagawa ang aktibidad sa koordinasyon ng Pampanga Police Provincial Office (PPO), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), at Provincial Engineering Office (PEO).

Pinangunahan ng mga tauhan ng RMFB3 sa ilalim ng pangangasiwa ni PLtCol Edilmar G. Alviar, Officer-in-Charge ng RMFB3, ang paglalagay ng mga sandbag bilang bahagi ng flood-mitigation efforts. Layunin nitong makatulong sa pagprotekta sa mga motorista, kalapit na komunidad, at mahahalagang access route laban sa patuloy na banta ng pagbaha.

Ipinakita ng operasyon na ang tungkulin ng kapulisan ay hindi lamang nakatuon sa pagpapanatili ng peace and order kundi maging sa pangangalaga sa buhay at kaligtasan ng mamamayan sa panahon ng sakuna.

Patuloy na palalakasin ng PRO3 ang disaster preparedness, emergency response, at community protection sa buong Central Luzon, alinsunod sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PRO 3 (https://www.facebook.com/share/p/1BRVcvCvF4/?mibextid=wwXIfr)

Leave a Reply