Php106K halaga ng hinihinalang shabu narekober ng PRO5; 2 suspek, arestado sa Panganiban, Camarines Norte

0
45

Arestado ang dalawang indibidwal na umano’y sangkot sa hinihinalang ilegal na kalakalan ng droga matapos ang isinagawang anti-illegal drug operation ng mga tauhan ng Police Regional Office 5 (PRO5) noong Setyembre 2, 2026, dakong alas 5:00 ng hapon sa Brgy. Larap, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Kinilala ang mga naaresto sa kanilang mga alyas na “Bert” at “Ron,” kapwa nasa hustong gulang. Nakuha mula sa kanilang pag-iingat ang tinatayang 15.6 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang Standard Drug Price na Php106,080.

Pinangunahan ng Jose Panganiban Municipal Police Station ang operasyon katuwang ang Provincial Drug Enforcement Unit at Provincial Intelligence Unit ng Camarines Norte Police Provincial Office.

Agad namang dinala sa Jose Panganiban MPS ang mga naaresto at nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. Isinagawa rin ang marking, inventory, at pagkuha ng larawan sa mga nakumpiskang droga alinsunod sa itinakdang proseso at sa presensya ng mga kinakailangang saksi.

Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga suspek dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa pamumuno ni PBGen Randy Glenn S Silvio, Regional Director ng PRO5, muling iginiit ng kapulisan ang patuloy na pagpapalakas ng kampanya laban sa ilegal na droga sa buong Bicol Region alinsunod sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

“Nananatiling matatag at walang humpay ang aming kampanya laban sa ilegal na droga. Patuloy naming paiigtingin ang aming mga pagsisikap upang matukoy, maaresto, at mapanagot sa ilalim ng batas ang mga indibidwal na sangkot sa pagpapalaganap, pagbebenta, at pamamahagi ng ilegal na droga sa ating mga komunidad,” ani PBGen Silvio.

Panulat ni PCpl Doxie Charesse C Casasos

Source: https://www.facebook.com/share/p/19YwXTFhHN/

Leave a Reply