Nakumpiska ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang tinatayang nasa mahigit Php3.2 milyong halaga ng ilegal na mga produktong petrolyo at sigarilyo sa magkakahiwalay na operasyon sa lalawigan ng Southern Leyte at Sulu nito lamang September 3, 2026, na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang indibidwal.
Unang naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Southern Leyte Provincial Field Unit kasama ang Sogod Municipal Police Station sa Sogod, Southern Leyte, ang dalawang indibidw matapos makuhanan ng litro ng diesel; litro ng premium gasoline, at litro ng unleaded gasoline, na may kabuuang estimated market value na Php2.18 million.
Samantala sa Pangutaran, Sulu, narekober naman ng pulisya ang 21 master cases ng hinihinalang smuggled cigarettes na nagkakahalaga ng Php1.029 milyon. Narekober ang nasabing mga kontrabando matapos umano itong abandonahin.
Giit naman ni Chief PNP, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., na bahagi ang mga operasyon sa patuloy na kampanya ng pulisya kontra smuggling upang maprotektahan ang komunidad maging ang kapakanan ng ekonomiya ng bansa.
“Every successful operation sends a clear message that illegal trade will not be allowed to undermine legitimate commerce. We act on information, we coordinate with the proper agencies, and we make sure the evidence is properly handled (Ang bawat matagumpay na operasyon ay malinaw na mensahe na hindi natin hahayaang sirain ng ilegal na kalakalan ang lehitimong komersyo. Kumakilos tayo batay sa impormasyon, nakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensya, at tinitiyak na maayos na nahahawakan at napangangalagaan ang mga ebidensya). Trabaho natin ito, at gagawin natin nang maayos,” ani PGen Nartatez.
Alinsunod sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman,” agad isinailalim sa kustodiya ng PNP ang naarestong mga indibidwal pati na rin ang mga nakumpiskang ebidensya para sa legal na proseso habang itinurn-over naman sa Bureau of Customs ang narekober na mga sigarilyo para sa tamang disposisyon.
Source: https://www.facebook.com/share/p/1Bn9gZXq7E/?mibextid=wwXIfr



