PRO11, pinaigting ang kaalaman at kakayahan sa pagtugon sa mga Cybercrimes laban sa mga bata

0
23

Pinatatatag ng Police Regional Office 11 (PRO11) ang kaalaman at kakayahan ng mga katuwang nitong ahensya sa pagtugon sa mga cybercrime sa PRO11 Pulis Bagani Hall, Camp Sgt. Quintin M. Merecido, Buhangin, Davao City noong Agosto 24-28, 2026.

Pinangunahan ang aktibidad sa ilalim ng pamumuno ni Police Brigadier General Leon Victor Z Rosete, Regional Director ng Police Regional Office 11, na kinatawan ni Police Colonel Renante C Cabico, Chief of the Regional Staff, katuwang ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at sa koordinasyon ng International Justice Mission (IJM).

Nabatid na ang limang-araw na workshop on Multi-Disciplinary Team–Basic Internet Crimes Against Children (MDT-BICAC) ay dinaluhan ng mga kalahok mula sa PRO 11 at mga partner agencies, kabilang ang 66 na personnel ng PRO11 at iba pang kinatawan ng mga katuwang na ahensya, gayundin ang mga miyembro ng Secretariat mula sa IJM at CSWDO.

Nakatuon ang workshop sa pagpapalawak ng legal na kaalaman at investigative skills ng mga kalahok, partikular sa wastong paghahanda ng mga dokumento para sa kaso at paggamit ng angkop na mga pamamaraan at kagamitan sa pangangalap at pagpreserba ng ebidensya. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng trauma-informed at victim-centered approach sa paghawak ng mga kasong kinasasangkutan ng mga bata.

Sa pamamagitan ng naturang pagsasanay at pagtutulungan, patuloy na pinapalakas ng PRO11 at mga partner agencies ang kanilang kapasidad at inter-agency coordination upang maprotektahan ang mga bata laban sa online exploitation at iba pang internet-related crimes, at matiyak na ang bawat kaso ay mapangasiwaan nang may propesyonalismo, malasakit, pagiging sensitibo, at katarungan.

Leave a Reply