Tagum City PNP, pinaigting ang school safety awareness sa Bingcungan Elementary School

0
27

Pinaigting ng mga tauhan ng Tagum City Police Station ang orientation tungkol sa Active Shooter Incident Awareness and Response sa Bingcungan Elementary School, Tagum City, noong Agosto 27, 2026.

Pinangunahan nina PMSg Elyn T. Bantilan, FJGAD PNCO, at PSSg Meluna C. Valera, PCR PNCO, ang aktibidad sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PLTCOL Edgardo G. Bahan, ACOP, Tagum City Police Station sa layuning mapanatiling ligtas ang mga paaralan at maging handa ang school community sa anumang banta ng karahasan.

Tinalakay sa orientation ang kahalagahan ng situational awareness, wastong pagtugon sa oras ng active attack o active shooter incident, emergency response procedures, at mga hakbang na maaaring gawin upang maprotektahan ang sarili at ang iba sa panahon ng panganib.

Binigyang-diin din sa aktibidad ang kahalagahan ng pagiging kalmado, mapagmatyag, at maalam sa mga nararapat na gawin sa oras ng emergency upang mabawasan ang panganib at mapabilis ang pagtugon sa anumang insidente.

Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman at kahandaan ng mga mag-aaral, guro, at school staff sa wastong pagtugon sa active attack incidents, gayundin ang palakasin ang ugnayan ng kapulisan at sektor ng edukasyon upang higit na mapanatili ang kaligtasan at seguridad sa loob ng paaralan.

Leave a Reply