Maguindanao del Norte PNP, nagsagawa ng inspeksiyon sa mga kagamitan sa halalan para sa BARMM Parliamentary Elections

0
24

Nagsagawa ang Maguindanao del Norte Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Colonel George D Bagundol Jr., Provincial Director, ng inspeksiyon sa mga kagamitan sa halalan bilang bahagi ng paghahanda para sa unang BARMM Parliamentary Elections, noong Agosto 27, 2026.

Nabatid na kasama ni PCol Bagundol Jr. si Pahamuddin Election Officer Ms. Jomera L. Abolais sa pag-inspeksiyon sa Municipal Hub na matatagpuan sa Brgy. Benasing, Pahamuddin, Maguindanao del Norte. Layunin ng inspeksiyon na masuri ang seguridad at wastong pag-iingat sa mga kagamitan sa halalan na pansamantalang nakaimbak para sa Special Geographic Area (SGA).

Dakong 4:00 ng hapon, muling nagsagawa ng inspeksiyon ang Provincial Director, kasama ang mga opisyal ng COMELEC, sa mga kagamitan sa halalan na pansamantalang nakaimbak sa Old Capitol Gymnasium sa Brgy. Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.

Binibigyang-diin ng mga isinagawang inspeksiyon ang patuloy na pakikipag-ugnayan ng Maguindanao del Norte PPO sa COMELEC upang mapalakas ang seguridad at pangangalaga sa mga kagamitan sa halalan.

Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, layunin ng Maguindanao del Norte PNP na matiyak ang isang ligtas, maayos, at seguridad na halalan para sa unang BARMM Parliamentary Elections na naaayon sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply