Nagtalaga ang Police Regional Office Negros Island Region ng tinatayang nasa 1,650 tauhan para sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan sa buong rehiyon sa paggunita ng Ninoy Aquino Day ngayong araw, August 21, 2026.
Ang naturang mga pulis ay itatalaga upang magsagawa ng mobile, motorcycle, at foot patrols, traffic assistance, checkpoint, border control operations, Reactionary Standby Support Force (RSSF), at iba pang mga law enforcement at public safety functions.
Tutulong din ang naturang kapulisan sa pagpapanatili ng police visibility sa mga pangunahing lugar sa rehiyon gaya na lamang ng mga transportation hub, major thoroughfares, public places, at iba pang matataong mga lugar.
Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng PRO NIR sa mga local government units, maging sa ibang ahensya ng pamahalaan, kasama ang mga force multipliers at mga stakeholders para sa maayos at mapayapang paggunita.
“PRO NIR is fully prepared to keep Negros Island safe, peaceful, and orderly during the observance of Ninoy Aquino Day. Our personnel will remain visible, vigilant, and responsive to protect the public and immediately address any security concern. We likewise call on everyone to cooperate with our police personnel and observe the occasion responsibly. Through our collective efforts, we can preserve peace and ensure a safe and meaningful observance for all” (Ang PRO NIR ay lubos na nakahanda upang mapanatiling ligtas, mapayapa, at maayos ang Negros Island sa paggunita ng Ninoy Aquino Day. Mananatiling alerto, at maagap ang ating mga kapulisan upang maprotektahan ang publiko at agad na matugunan ang anumang usaping pangseguridad. Hinihikayat din namin ang lahat na makipagtulungan sa ating mga pulis at responsable na ipagdiwang ang naturang okasyon. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, mapapanatili natin ang kapayapaan at matitiyak ang ligtas at makabuluhang paggunita para sa lahat), pahayag pa ni PBGen Romano V Cardiño, Regional Director ng PRO NIR.



