Php7.48M halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam sa Dasmariñas City, Cavite

0
166
Screenshot

Nasamsam ng mga operatiba ang tinatayang 1.1 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php7.48 milyon at naaresto ang isang drug personality sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Paliparan 1, Dasmariñas City, Cavite, madaling-araw ng Agosto 19, 2026.

Kinilala ang naaresto sa alyas “Pleng,” 33-anyos, helper, at residente ng Barangay Sto. Cristo, City of San Jose del Monte, Bulacan. Ayon sa ulat, dati na rin siyang naaresto noong 2021 dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at noong 2024 naman dahil sa paglabag sa Presidential Decree No. 1602 o batas laban sa ilegal na pagsusugal.

Pinangunahan ng Special Operations Unit 4A (SOU 4A) ang operasyon katuwang ang PRO 4A Regional Drug Enforcement Unit (RDEU), PDEA Cavite Provincial Office, Drug Enforcement Unit ng Dasmariñas City Police Station, Cavite Police Provincial Office, at Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) Field Unit Luzon.

Nakuha mula sa drug suspek ang isang knot-tied transparent plastic pack at isang ziplock transparent plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 1,100 gramo o 1.1 kilo at tinatayang Standard Drug Price na Php7.48 milyon. Nasa kustodiya na siya ng Dasmariñas Component City Police Station para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Binigyang-diin ni PRO 4A Acting Regional Director PBGen Dominic L. Baccay na patuloy na paiigtingin ng kapulisan ang koordinasyon at pakikipagtulungan sa iba’t ibang law enforcement agencies upang masawata ang ilegal na kalakalan ng droga, maprotektahan ang mga komunidad, at mapanagot ang mga sangkot dito. Kaakibat nito ang pagpapatupad ng B.E.S.T. Policing Framework ng PRO 4A—Be Visible, Engage Immediately, Serve Together, at Transform Trust.

Ang operasyon ay sumasalamin sa patuloy na determinasyon ng PNP na mapanatili ang ligtas at mapayapang mga komunidad sa CALABARZON at protektahan ang mamamayan laban sa banta ng ilegal na droga, alinsunod sa mantra ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PRO 4A (https://www.facebook.com/share/v/1cXPrcRGhs/?mibextid=wwXIfr)

Leave a Reply