Matagumpay na nasamsam ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR) ang tinatayang Php3,401,360 halaga ng iligal na droga at naaresto ang isang drug personality sa magkahiwalay na operasyon na isinagawa sa Kalinga at Baguio City, nito lamang Agosto 19, 2026.
Ayon sa ulat, sa isinagawang marijuana eradication operations, nadiskubre ang dalawang plantasyon ng marijuana na natamnan ng 17,000 fully grown marijuana plants (FGMJP) na may Standard Drug Price (SDP) na Php3,400,000 ang nadiskubre ng mga operatiba mula sa Tinglayan Municipal Police Station (MPS), Rizal MPS, 1st Kalinga Provincial Mobile Force Company, at Provincial Drug Enforcement Unit ng Kalinga Police Provincial Office sa Barangay Ngibat, Tinglayan.
Kaagad na sinunog ang mga nadiskubreng marijuana plants, habang patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang iba pang posibleng plantasyon sa mga kalapit na lugar at mapanagot ang mga nasa likod ng ilegal na pagtatanim nito.
Samantala, sa Baguio City, isang 21-anyos na lalaki ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng Police Station (PS) 1, PS 10, City Intelligence Unit, at City Investigation and Detective Management Unit ng Baguio City Police Office, katuwang ang Regional Intelligence Unit-14 at Philippine Drug Enforcement Agency-CAR, sa Barangay Bakakeng Central.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 0.2 gramo at SDP na Php1,360, matapos itong ibenta sa isang operatibang nagpanggap bilang poseur-buyer.
Ang matagumpay na operasyon na ito ay sumasalamin sa patuloy na pangako ng PRO CAR upang sugpuin ang ilegal na droga sa sa buong rehiyon sa pamamagitan ng mas pinalakas na pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya at komunidad, na sumasalamin sa mantra ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman”.
Source: PNP Police Regional Office Source https://www.facebook.com/PROCordillera/posts/pfbid0gFYSTbBfnp1vF7zisccPfLKHX3RHnAJX9R6VWuEbwpqFc2ax3wZ7AfFkdaioGietl?rdid=mwlbrMtnZbgxTGaN#



