PRO CAR, patuloy sa serbisyo at pagtugon sa mga apektado ng Bagyong “Maymay” 

0
155

Nagpakita ng matatag na dedikasyon, kahandaan at malasakit sa kapwa ang mga tauhan ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region sa kanilang tuloy-tuloy na operasyon sa pananalasa ng Bagyong “Maymay” sa iba’t ibang lalawigan ng Cordillera nito lamang Agosto 6, 2026.

Mula sa paghahanda ng mga kagamitan, pagsasagawa ng road clearing operations, pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente at maagap na matugunan ang mga pangangailangan ng komunidad.

Sa kabila ng panganib na dulot ng malalakas na pag-ulan, pagbaha, at pagguho ng lupa, nananatiling nakaalerto ang mga kapulisan sa pagmomonitor sa mga apektadong lugar, pagtulong sa mga residenteng nasa panganib, at mabilis na pagtugon sa mga insidenteng nangangailangan ng agarang aksyon.

Tuloy-tuloy din ang isinasagawang pagpapatrolya, visibility operations, at pagbabantay sa mga pampublikong at pribadong establisimyento sa buong rehiyon upang mapanatili ang kaayusan at maiwasan ang kriminalidad habang nananalasa ang bagyo.

Ang walang kapagurang paglilingkod ng mga tauhan ng PRO CAR sa gitna ng sakuna ay patunay ng kanilang katapatan sa sinumpaang tungkulin at tunay na malasakit sa mamamayan, alinsunod sa adhikain ng Pambansang Pulisya na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Sources: PNP Police Regional Office CAR

Leave a Reply