Pangasinan PPO, agad tumugon sa mga naapektuhan ng bagyong  “Maymay”

0
108

Patuloy ang pagresponde ng Pangasinan Police Provincial Office (Pangasinan PPO) sa mga komunidad na naapektuhan ng Tropical Storm Maymay at Southwest Monsoon o Habagat noong Agosto 6, 2026.

Sa pamumuno ni PCol Dennis L. De Leon, Officer-in-Charge, Provincial Director, agad na ipinakalat ang mga tauhan upang magbigay ng assistance at seguridad sa mga residenteng nangangailangan ng tulong.

Nakikipagtulungan din ang Pangasinan PPO sa mga LGUs, PDRRMO/MDRRMO at iba pang response agencies upang matiyak ang mabilis na pagtugon sa mga emergency at mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng publiko.

Patuloy namang nakaalerto ang kapulisan at handang tumugon sa anumang pangangailangan ng mga komunidad.

Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan

Source: Pangasinan PPO

Leave a Reply