Matagumpay na narekober ng Police Regional Office 8 (PRO8) sa pamumuno ni PBGen Jason L Capoy, Regional Director, ang tinatayang aabot sa Php3.25 milyon na mga ilegal na sigarilyo sa isinagawang joint entrapment operation sa Brgy. Amandayehan, Basey, Samar, nito lamang Martes, August 4, 2026.
Nanguna sa operasyon ang mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group, Regional Field Unit 8 – Regional Special Operations Team (CIDG RFU 8-RSOT) katuwang ang Basey Municipal Police Station (MPS), Regional Special Operations Team–Regional Maritime Unit 8 (RSOT-RMU8), Regional Intelligence Division–Regional Special Operations Unit 8–Team Samar (RIDRSOU8-Team Samar), at ang Bureau of Internal Revenue (BIR) Revenue District Office–Tacloban City.
Naaresto ng kapulisan sina alyas “Dev,” isang 38-year-old na driver mula sa Guiuan, Eastern Samar; si alyas “May,” 29-year-old; at si alyas “Rod,” isang 42-year-old na driver, parehong mga residente ng Basey, Samar na nahulihan ng nasabing mga kontrabando.
Narekober sa operasyon ang nasa 50 master cases ng CANON Menthol na sigarilyo na walang pahintulot ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at mga graphic health warnings na may estimated market value na Php3,250,000. Kasama rin sa mga nakumpiska ang mga buy-bust money, dalawang mobile phone, at tatlong transport vehicle na pinaniniwalaang ginamit umano sa ilegal na aktibidad.
“The success of this entrapment operation demonstrates our sustained commitment to combating illicit trade and protecting government revenue from illegal activities. In line with the guidance of our Chief, PNP, PGen Melencio C Nartatez C Jr, we will continue to strengthen intelligence-driven operations and inter-agency coordination to pursue individuals engaged in unlawful activities and ensure they are brought to justice,” pahayag pa ni PBGen Capoy.
Binigyang-diin ni PBGen Capoy na ang matagumpay na entrapment operation ay nagpapakita ng patuloy na dedikasyon ng PRO8 sa pagsugpo sa ilegal na kalakalan at pangangalaga sa kita ng pamahalaan laban sa mga ilegal na gawain. Alinsunod sa gabay ng Chief, PNP, PGen Melencio C Nartatez, Jr., na patuloy na palalakasin ng PRO8 ang intelligence-driven operations at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya upang matugis ang mga indibidwal na sangkot sa mga ilegal na gawain at matiyak na sila ay mananagot sa batas.
Agad namang dinala sa CIDG Tacloban City Field Unit ang nakumpiskang mga kontrabando para sa iba pang dokumentasyon at tamang disposisyon.
Nahaharap naman ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Republic Act No. 10643 (Graphic Health Warnings Law), Republic Act No. 8424, na inamiyendahan ng Republic Act No. 11346 (National Internal Revenue Code provisions on excise taxes), at Republic Act No. 7394 (Consumer Act of the Philippines).



