Nakiisa sa Voters’ Education and the COMELEC–IBP & COMELEC–MBHTE Memorandum of Agreement (MOA) Signing for the 2026 BARMM Parliamentary ang pamunuan ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region na pinangunahan ni Police Brigadier General Christopher M Abecia, Regional Director sa
Marawi Convention Center, Marawi City, Lanao del Sur nito lamang Biyernes, Hulyo 31, 2026.
Nabatid na tinipon ng kaganapan ang mga pangunahing stakeholder at mga ahensiyang katuwang upang palakasin ang kolaborasyon sa pagsusulong ng edukasyon sa botante, pagtiyak ng integridad sa halalan, at pagpapalaganap ng mapayapa, kapani-paniwala, at matalinong pakikilahok sa nalalapit na 1st Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Election 2026.
Itinampok din sa programa ang paglagda sa mga Memorandum of Agreement sa pagitan ng Commission on Elections (COMELEC) at ng Integrated Bar of the Philippines (IBP), gayundin sa pagitan ng COMELEC at ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE), bilang pagpapalakas sa pagtutulungan ng mga ahensya sa mga inisyatiba para sa edukasyon ng mga botante.
Samantala, ang PNP at iba pang law enforcement agencies ay tuloy-tuloy ang pagsiguro ng seguridad at kaayusan sa buong rehiyon upang mapanatili ang katahimikan bago, habang, at pagkatapos ng halalan na napapaloob sa mantra ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region
Panulat ni PMSg Grace Ortiz



