3 Most Wanted Person na may kasong murder, statutory rape, at qualified rape, arestado sa operasyon ng Davao City PNP

0
27

Arestado ng mga tauhan ng Davao City Police Office sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Peter B Madria, ang mga indibidwal na kabilang sa Regional Top 1, Top 2, at Top 3 Most Wanted Persons ng Police Regional Office 11 sa magkahiwalay na operasyon na isinagawa noong Hulyo 2026.

Ayon kay PCol Madria, kabilang sa mga naaresto ang Regional Top 1 Most Wanted Person na nahaharap sa kasong Murder, ang Regional Top 2 Most Wanted Person na may kasong Statutory Rape, at ang Regional Top 3 Most Wanted Person na nahaharap sa kasong Qualified Rape.

Ang mga operasyon ay matagumpay na isinagawa ng mga tauhan ng Police Station 1–Sta. Ana at Police Station 19–Eden.

Ayon kay PCol Madria, ang matagumpay na pagkakaaresto sa mga most wanted persons ay bunga ng pinaigting na intelligence operations, mahusay na koordinasyon ng mga yunit ng pulisya, at pakikipagtulungan ng komunidad. Aniya, patuloy na paiigtingin ng Davao City PNP ang kampanya laban sa mga wanted persons upang mapanagot ang mga lumalabag sa batas, maprotektahan ang mamamayan, at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan na naaayon sa mantra na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: Davao City Police Office

Leave a Reply