PRO 11, nakiisa sa 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill 2026

0
39

Nakiisa ang pamunuan ng Police Regional Office 11 sa isinagawang 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill 2026 sa PRO 11 Parade Ground, Camp Sgt. Quintin M. Merecido, Buhangin, Davao City nito lamang Huwebes, Hunyo 18, 2026.

Pinangunahan ni Police Colonel Harry B Domingo, Deputy Regional Director for Administration, ang nasabing aktibidad na naglalayong palakasin ang kahandaan at kakayahan ng hanay ng kapulisan sa pagtugon sa mga sakuna, partikular sa mga lindol.

Sa pamamagitan ng sabayang pagsasanay, muling binigyang-diin ng PRO 11 ang kahalagahan ng disiplina, kahandaan, at wastong pagtugon sa panahon ng kalamidad upang mapangalagaan ang buhay at kaligtasan ng publiko, lalo na dahil sa katatapos lamang na magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Davao Region at kalapit na rehiyon.

Patuloy na isinusulong ng PRO 11 ang mga programang nagpapalakas sa disaster preparedness bilang bahagi ng kanilang tungkulin sa pagpapanatili ng kaligtasan at seguridad ng komunidad na napapaloob sa Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply