Nanguna sa relief at medical outreach ang mga personahe ng Police Regional Office 11 para sa mga pamilyang naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Brgy. Kalbay, Jose Abad Santos, Davao Occidental nito lamang Hunyo 17, 2026.
Ito ay naging posible sa pangunguna ni Police Brigadier General Leon Victor Z Rosete, Regional Director ng PRO 11, sa tulong ng Local Government Unit, stakeholders at volunteers.
Nakinabang ang nasa mahigit 1,200 pamilya na nabigyan ng food packs at hygiene kits, habang isinagawa rin ang programang “Libreng Pa Lugaw sa Katawhan” para sa mga residente.
Kasabay nito, naghatid ng libreng serbisyong medikal ang Regional Medical and Dental Unit 11, Camp Sgt. Quintin M. Merecido Hospital, at Department of Health Region XI, kabilang ang medical consultations, pamamahagi ng gamot, at mental health lectures na naaangkop sa Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”



